At dahil Tagalog ang kanyang blog, naisipan kong gayahin at magsulat sa Tagalog. Ito ang kauna-unahang Tagalog na sulat ko dito. Pagpasensyahan na kung may mga mali, sadya lang talagang mula nung unang antas ay mailap na sa akin ang asignaturang Filipino. Hindi ko rin alam kung bakit, siguro ay dahil parang inaantok ako masilayan pa lamang sa malayo ang aking guro sa Filipino, kaya nadala ko na ito hanggang paglaki.
Paano nga ba nagiging versatile ang isang blogger? Paano nga ba matatawag na versatile ang isang tao? Siguro nga ay matatawag akong versatile sa kung anu-anong pinagsususulat ko dito - may drama, may comedy, may action, may love story. Ito nga pala ang pitong bagay tungkol sa akin. Ewan lang kung iisipin pa rin ni Rogie na versatile ako pagkabasa nito:
1. Mas nauna akong natutong magsalita kaysa maglakad, at natutunan ko agad kumanta noong matuto akong magsalita. Salamat sa tiyahin kong suki ng karaoke.
2. Malaking bahagi ng kasaysayan ko ang Max's SM North sapagkat noong ako ay apat na taon at di pa sanay magbasa, naiwanan ako ng aking tiyahin at pinsan doon sa laruang umiikot na malalaking tasa. Ako lamang mag-isa ngunit alam kong ang aking ina at iba pang mga tiyahin ay nandoon sa isang kainan na nakasulat ang pangalan sa kulay pula. Ang masama nga lamang noon, dalawang magkatabing kainan ang kulay pula ang pangalan, kaya't bilang hindi pa ako marunong magbasa, nanghula na lamang ako kung saan ako papasok. Buti na lang, tama yung pinasukan ko kung hindi, hindi ko na alam kung nasaan ako ngayon. Pagbalik ng tiyahin at pinsan ko, pareho silang namumutla at bilang kasabwat ko ang aking ina at iba pang mga tiyahin, itinago nila ako sa ilalim ng mesa para lalo silang takutin. :D
3. Consistent honor student ako, pero noong Grade 1 ako, napatawag ng guro ang aking mahal na ina sapagkat pakiramdam niya ay tinutulugan ko ang kanyang pagtuturo ng Filipino.
4. Nanalo akong Queen of the Night noong JS Prom namin. Oo, totoo yan. Bawal ang violent reaction.:D
5. Hindi ako marunong magbisikleta. Marami nang nagsubok magturo pero walang nagtagumpay.
6. Umaakyat ako ng bundok pero hindi ako marunong tumakbo at hindi ako interesado sa mga Fun Run kahit lahat na halos ng tao ay sumasali. Isang beses ko pa lang natapos takbuhin ang UP Acad Oval, at sobrang pilitan pa dahil natakot lang ako noong sabihin nilang uulit mula simula pag hindi nakatapos.
7. Ang limang bagay na ayokong mangyari sa akin/hindi ginagawa/pilit na iniiwasan: butiki (phobia talaga), seafood (allergic kasi), pagtayo sa biyahe sa bus, pagsakay ng MRT/LRT, at syempre, ang pagkakasakit (pero suki na ko ng mga doktor mula pagkabata at di na nagbago e).
Ngayon ay hayaan niyo akong pumili ng labinlimang taong karapat-dapat na pagpasahan nito (oo, labinlima talaga, nakasaad sa batas):
1. Jay ng Mga Kwento ni Pareng Jay
2. Paula ng Pondering Paodaolei
3. Mai ng Budget Biyahera
4. Regine ng Between Coordinates
5. Ric ng Life N Canvas
6. Violy ng Vivi's Random Ramblings
7. Ephraim ng The Adventist Adventurer
8. Mitch ng Round-Tripinay
9. Pa-ul ng Pa-ul
10. Claire ng The Secret Notebook
11. Prince Josh ng Kulapitot
12. Lalah ng Party of Three
13. Carmi ng Carmi's Caprice
14. Mimi ng Mimidora the Explorer
15. Arnold ng Lakwatserong Unggoy
3. Mai ng Budget Biyahera
4. Regine ng Between Coordinates
5. Ric ng Life N Canvas
6. Violy ng Vivi's Random Ramblings
7. Ephraim ng The Adventist Adventurer
8. Mitch ng Round-Tripinay
9. Pa-ul ng Pa-ul
10. Claire ng The Secret Notebook
11. Prince Josh ng Kulapitot
12. Lalah ng Party of Three
13. Carmi ng Carmi's Caprice
14. Mimi ng Mimidora the Explorer
15. Arnold ng Lakwatserong Unggoy
Pamantayan: Pasalamatan at i-tag sa post ang naggawad ng parangal. Magbanggit ng pitong bagay tungkol sa sarili mo. Ipasa ang parangal sa labinlimang mahuhusay na blogger na iyong sinusubaybayan.
Para sa English version ng pamantayan kung paano gumawa ng iyong sariling The Versatile Blogger Award post, i-click lamang ang icon sa ilalim. Maraming salamat!

haha nakakatuwa naman eto basahin. daig kita kasi ako magaling magbisikleta.. dun lang ata ako magaling kasi di na ako umaakyat ng bundok gaya mo... aha nanalo ka pala ng Prom night, buti ka pa.. ako laging bangko lang e.. hehe. salamat sa pag tag, ambait mo sa blog ko.. dami ko na utang! mas natutuwa kasi ako maglagay ng ng mga litrato sa blog kesa magsulat.. haha ;) maraming salamat ulit! dami ko na utang na artikulo! ayan dumugo na din ilong ko sa tagalog.. haha ;))
ReplyDeleteTagalog ba dapat? ang dami naman ng pagpapasahan 15? hehehe, pwede lima lang? Thanks Criz!!!!!
ReplyDeleteSalamat Cris sa muling pagsama sa aking blog. Isang karangalan muli pero I doubt kung versatile din ako hehe. Anyway, hindi ka marunong mag-bike? come-on, mas madali mag-bike o kaya'y tumakbo kaysa umakyat ng bundok!! Anyway, Congrats, consistent honor ka pala at saka naging Prom Queen! Nice!
ReplyDeleteHaha, at isa pa pala, hindi ako marunong lumangoy pero kung saan-saan ako nakakalangoy basta naka-life vest. At dahil lang talaga sa kagustuhan kong makagala kaya pati bundok naakyat ko. :D
ReplyDeleteHindi naman required na Tagalog, nahawa lang ako doon sa nagbigay sa akin ng award. Hahaha. Oo, ang dami nga talaga. Pwede naman siguro, masunuring bata lang ako. :D
ReplyDeleteOo nga Violy nakakadugo ng ilong itong post na 'to. Haha. :D Favorite tambayan ko kasi yung blog mo at nakakaaliw kasi sobrang ganda ng shots mo kahit hindi DSLR. Sana matutunan ko rin yun.:)
ReplyDeleteMagandang Gabi, Cris! Talaga nga naman na-surpresa ako dito! Nakakatuwa naman at naisip mo pang isama ako dito -- di ata ako karapat-dapat! Hehehe..
ReplyDeletenakakaaliw naman ang mga sinulat mo tungkol sa iyong buhay.. pero kung may isa man akong ipupuna eh yung pagbibisikleta at sa pagakyat ng bundok.. parang mas ok na magbisikleta o tumakbo kesa umakyat ng bundok.. diko ata kaya! Hahaha.. and buti kapa, nanalo ka pa sa JS PROM.. ako ni kelan di nakatikim ng kahit anong panalo jan.. hahah..
uy, salamat ulit sa pagnomina. :p
Thanks for including me in your list of 15 Versatile Blogger :) as of now I am craving to eat and dine in here at Pizza Hut to boost inspiration to create once again.
ReplyDeleteWalang anuman Mai. :D Dakilang lakwatsera lang talaga ako kaya kung saan-saan nakakarating, pinipilit lang talaga maakyat yung mga bundok kahit hirap na hirap (sabi sa 'yo di ako strong, haha). :D
ReplyDeleteSarap naman ng pang-motivate mo Pizza Hut. :)
ReplyDeletesalamat dito mare andami ko nang utang sayo. gusto sana kitang i-libre ng jolly fries e. san ba susunod na aakyatin mong bundok? ipapa-LBC ko nalang dun. pero di nga pre, salamat nang marami. :)
ReplyDeleteNyahaha. :D
ReplyDeleteNaku! bukod pala sa di ka marunong lumangoy, pati pala pagba-bike hindi rin. hahaha! Congratulations uli and salamat din sa pagsuporta mo in return sa aking blog. Pasensya na at pinahirapan ata kitang magtagalog dito sa post mo. hahahaha :) Keep it up Cris!
ReplyDeleteOo hahaha. Pero pag naka-life vest kung saan-saan ako nakakarating, haha. Saka pag naka-motor, angkas naman ako e! :D
ReplyDeleteSalamat talaga for including me! :)
ReplyDeleteHaha, Ephraim! You deserve it talaga. :D
ReplyDeleteAng kulit ng mga travel pictures mo! ヅ
ReplyDeleteCongrats on your blog award! ヅKulapitot also included our site on the same award!hehehe...
P.S. You may visit our blog & we'd love it more if we follow each other, please let me know if you're interested.
http://fashionmoto.blogspot.com/
Thanks! ヅ
Haha nakita ko nga. :) O sige walang problema. Nice to meet you! ^_^
ReplyDeleteYes, proud of ur achievements ha. Historical ang pulang kulay na un ha.. buti swerte ka nahulaan mo agad ng tama. At ang big leap mo, I knew it ang no. 4. Swerte talaga o maganda lang talaga! un un eh oh!
ReplyDeleteSayang ang bisiklete girl.. fulfilling pag na achieve mo din! :) Thanks for sharing this award for me. GO Versatile ladies!
Haha, puro lalaki kasi classmates ko. Joke. :D Oo basta sana magtiyaga yung magtuturo sa akin magbisikleta. :D
ReplyDeleteWoooh Thank You Cris! :) I'll find time to make my reply entry :) Mwah
ReplyDeleteYou're welcome! :D
ReplyDeleteI just saw this now and I am very very grateful that you included me in your list! thank you so much!! :) nag iisip na ako ng pwedeng pasahan....bawal ba mag back tag? :)
ReplyDeleteYou're welcome. :) Na-back tag ako recently, hehe, ok lang naman siguro pero parang maka-cancel out lang. :D
ReplyDeleteThanks for the award Chris. :) I finally got to pass on the award. Ang hirap mag isip ng 7 random things about me. hahahaha....
ReplyDeleteYou're welcome! Saw your post nga. I'm gonna read it now. :D
ReplyDelete